Monday, June 8, 2009

Kahirapan



Ang bukang bibig sa panahon natin ngayon ay ang kahirapan.

Dagdag pa nito ang kinatakutan na sakit ngayon walang iba kundi ang " H1N1 virus",
pati narin ang mga magulang nama'y mga anak ay naapiktohan na.
Kaya maraming nagtatanong ano ba talaga ang dapat kong gawin para makaiwas sa mga
ganitong pagbabanta ng buhay.

Batid natin na pinag-ibayo ng ating pamahalaan na malunasan at matolungan ang ating mga
mamayang pilipino sa mga ganitong uri ng mga pangyayari sa ating paligid.

Hindi ba kayo nagtataka na habang minabuti nila na malunasan ang mga problema
ay tila lumalala ng husto ang kahirapan at karahasan.
Dahil dito ang mga tao ay hindi makaiwas na gumagawa ng kalikuan at patuloy pang
gumagawa ng krimen, na ang ibig kong sabihin ay wala ng takot sa maykapal na siyang
lumalang ng lahat ng bagay.

May kaugnayan ba ang banal na kasulatan
tungkol dito:

# 2TIMOTEO.3:1. Datapuwa't alamin mo ito, nasa mga huling araw ay darating ang mga panahon na mapanganib.
# 2. Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili,maibigin sa salapi,mayayabang,
mga mapagmalaki,mapagtungayaw,masuwayin sa mga magulang,mga walang turing,
mga walang kabanalan.
# 3. Walang katutubong pagibig,mga walang paglulubag,mga palabintangin,mga walang
pagpipigil sa sarili, mga mabangis,hindi maibigin sa mabuti.
# 4. Mga lilo,mga matitigas ang ulo,mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa
maibigin sa Dios;

Sa puntong ito ay pinatuyan na" totoo ang nakasulat sa biblia.

No comments:

Post a Comment